"Haay, buhay nga naman... Kahit mabigat ang pasanin, masarap pa rin.."
- Bra
"Nakakalungkot isipin na may mga tao talagang nang-iiwan sa ere..."
- Saranggola
"Hindi lahat ng bubuyog kulay itim."
- Jollibee
"Wag kang magrereklamong pinaiyak kita dahil nauna mo akong sinaktan."
- Sibuyas
"Oo inaamin ko, sila'y mga yakal, lawanit at narra. At kami'y saginglang. Pero maghanap kayo ng puno sa buong mundo, saging lang ang maypuso.."
- B1 at B2
"Wag po natin salubungin ang mga bumababa, di po natin sila kamag-anak."
- LRT/MRT Operator
"Ayoko na! Lagi na lang ako ang naiipit!"
- T-back
"hindi lahat ng nagpapapindot ay haliparot."
- keyboard
"hindi lahat ng lumulobo ay cute."
- sipon
"sinabi ko namang kailangan ko lang mawala pag araw hanggang gabi, wag mo nalang tanungin kung saan ako pumupunta. pero pangako ko sa yo, babalikan kitatuwing umaga... TRUST ME."
- muta (>>> Galit pa e noh!!!!)
"maliit lang ang mundo ko."
- itlog
"hindi lahat ng naiinitan o naaarawan ay nangingitim"
- bigas
"bakit ba ako na lang ang inyong tinatapaktapakan at ipinanghahampas?" - tsinelas
"susunod ka rin pala, pakipot ka pa. hmmp!"
- pila
No comments:
Post a Comment